Isang etnohistorya ng paghuhulma sa pagkakakilanlang pangrelihiyon : ang panagbaniagang espiritwal ng sagrada familia ng Calamba Dindo Palce Cafe

By: Material type: TextTextPublication details: Diliman, Quezon City : Unibersidad ng Pilipinas , 2022.Description: 243 paqes. DissertationSubject(s): DDC classification:
  • LG 996 2022 C6 C34
Summary: Ang disertasyon na ito ay naglalayong sagutin ang pangunahing katanungan kung paano mauunawaan ang proseso ng pagbuo ng pagkakilanlang panrelihiyon ng samahang Sagrada Familia sa pamamagitan ng panagbaniagang espiritwal. Sa kabuuan, ito ay isang eksplorasyon sa mga karanasan ng mga kasapi ng Sagrada Familia kanilang panagbaniagang espiritwal na sinuri sa pamamagitan iba't iba ngunit magkakaugnay na mga proseso ng inkulturasyon, kumbersyon, transkontekstwalisasyon, at pagpapanatili ng kanilang samahan at sistema ng paniniwala. Gamit ang etnohistoriya bilang pamamaraan ng pag-aaral at masaklaw na pakikipanayam, pasalitang kasaysayan, at arkibal na datos bilang mga metodo ng pangangalap ng datos ay malawak na naipaliwanag ang karanasan ng panagbaniagang espiritwal bilang pagkalahatang proseso ng agbuo ng samahan at paghubog ng sistema ng paniniwala at relihiyon ng mga kasapi ng Sagrada Familia. Una, ang proseso ng panagbaniagang espiritwal ay nagsimula sa kanilang lumang relihiyon, ang Romano Katoliko na bunga ng ink.ulturasyon. Pangalawa, ito ay may kinalaman sa kanilang pagbalikwas sa Romano Katoliko pag-anib sa samahan ng Sagrada Familia bunsod ng kanilang kumbersyon at pagbabago ng paniniwala at pananaw sa mundo. Ikatlo, ito ay sumasaklaw sa transkontekstwalisasyon ng kanilang samahan habang sila ay nagpapalipat-lipat ng lugar mula sa kanilang lupang sinilangan sa San Nicolas, Pangasinan patungong Ilog a Metung, Bayan ng San Luis, sa lalawigan ng Pampanga; patungong Sitio Ronggot, Barangay Lecheria, Lungsod ng Calamba, sa Probinsiya ng Laguna; at sa Olivete, Bayan ng Bongabong, sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Panghuli, ang proseso ng panagbaniagang espiritwal ay nakasalalay sa pagpapanatili ng samahan at pagkakakilanlang pangrelihiyon ng mga kasapi ng Sagrada Familia sa kanilang paglikas sa iba't ibang lugar at sa pag-inog ng panahon. Batay sa pag-aaral na ito, ang anyo ng pagkakakilanlang pangrelihiyon ng samahan ng Sagrada Familia ay nakaangkla sa lalim ng kanilang paniniwala at pagkabuo ng kanilang samahan sa pamamagitan ng panagbaniagang espiritwal na naging mahalaga sa kanilang pagsususing espiritwalang kanilang pangrelihiyong sensibilidad o pagpapakahulugang espiritwal; at pangingilalim na espiritwal na turnutukoy sa proseso ng kanilang pagsasabuhay sa mga paniniwala at ideolohiyang pangrelihiyon ng samahan.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Copy number Status Date due Barcode
CHED Funded Research CHED Funded Research Commission on Higher Education Thesis Thesis and Dissertation LG 996 2022 C6 C34 (Browse shelf(Opens below)) 1 Available (Room Use Only) CHEDFR-000289
Thesis and Dissertation Thesis and Dissertation Commission on Higher Education Digital Thesis and Dissertation Digital Thesis and Dissertation LG 996 2022 C6 C34 (Browse shelf(Opens below)) 1 Storage Area (Restricted Access) DCHEDFR-000038

Disertasyon (Doktorado ng Pilosopiya sa Sosyolohiya) -- Unibersidad ng Pilipinas, Pebrero 2022.

Ang disertasyon na ito ay magagamit sa publiko.

Ang disertasyon na ito ay naglalayong sagutin ang pangunahing katanungan kung paano mauunawaan ang proseso ng pagbuo ng pagkakilanlang panrelihiyon ng samahang Sagrada Familia sa pamamagitan ng panagbaniagang espiritwal. Sa kabuuan, ito ay isang eksplorasyon sa mga karanasan ng mga kasapi ng Sagrada Familia kanilang panagbaniagang espiritwal na sinuri sa pamamagitan iba't iba ngunit magkakaugnay na mga proseso ng inkulturasyon, kumbersyon, transkontekstwalisasyon, at pagpapanatili ng kanilang samahan at sistema ng paniniwala. Gamit ang etnohistoriya bilang pamamaraan ng pag-aaral at masaklaw na pakikipanayam, pasalitang kasaysayan, at arkibal na datos bilang mga metodo ng pangangalap ng datos ay malawak na naipaliwanag ang karanasan ng panagbaniagang espiritwal bilang pagkalahatang proseso ng agbuo ng samahan at paghubog ng sistema ng paniniwala at relihiyon ng mga kasapi ng Sagrada Familia. Una, ang proseso ng panagbaniagang espiritwal ay nagsimula sa kanilang lumang relihiyon, ang Romano Katoliko na bunga ng ink.ulturasyon. Pangalawa, ito ay may kinalaman sa kanilang pagbalikwas sa Romano Katoliko pag-anib sa samahan ng Sagrada Familia bunsod ng kanilang kumbersyon at pagbabago ng paniniwala at pananaw sa mundo. Ikatlo, ito ay sumasaklaw sa transkontekstwalisasyon ng kanilang samahan habang sila ay nagpapalipat-lipat ng lugar mula sa kanilang lupang sinilangan sa San Nicolas, Pangasinan patungong Ilog a Metung, Bayan ng San Luis, sa lalawigan ng Pampanga; patungong Sitio Ronggot, Barangay Lecheria, Lungsod ng Calamba, sa Probinsiya ng Laguna; at sa Olivete, Bayan ng Bongabong, sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Panghuli, ang proseso ng panagbaniagang espiritwal ay nakasalalay sa pagpapanatili ng samahan at pagkakakilanlang pangrelihiyon ng mga kasapi ng Sagrada Familia sa kanilang paglikas sa iba't ibang lugar at sa pag-inog ng panahon. Batay sa pag-aaral na ito, ang anyo ng pagkakakilanlang pangrelihiyon ng samahan ng Sagrada Familia ay nakaangkla sa lalim ng kanilang paniniwala at pagkabuo ng kanilang samahan
sa pamamagitan ng panagbaniagang espiritwal na naging mahalaga sa kanilang pagsususing espiritwalang kanilang pangrelihiyong sensibilidad o pagpapakahulugang espiritwal; at pangingilalim na espiritwal na turnutukoy sa proseso ng kanilang pagsasabuhay sa mga paniniwala at ideolohiyang pangrelihiyon ng samahan.

There are no comments on this title.

to post a comment.
Commission on Higher Education Library
Higher Education Development Center Building
C.P. Garcia Ave.,Diliman,Quezon City,Philippines
© 2025

Flag Counter 

Powered by Koha