Cogo, Donald Albano,

Pagsusuri sa leksikal na barasyon ng wika ng tribong Manobo tungo sa pagbuo ng diksyunaryong Manobo-Filipino Analysis of lexical variation in the language of the Manobo tribe towards the development of a Manobo-Filipino dictionary. Donald Albano Cogo. - Lungsod ng Iligan : St. Michael's College, 2018. - vii, 391 leaves ; 29 cm.

CHED Funded Research.

Thesis

Includes Bibliography.

1: Suliranan at kaligiran -- 2: Kaugnay na panitikan at pag-aaral -- 3: Metodolohiya -- 4: Presentasyon, Interpretasyon at Analisis -- 5: Buod, konklusyon at rekomendasyon.

Ang pag-aaral na ito ay isang Pagsusuri sa Leksikal na Baiyasyon ng Wika ng Tribong Manobo Tungo sa Pagbuo ng Diksyunaiyong Manobo-Pilipino. Tinukoy ang mga termlnolohiyang magkatulad at di-magkatulad na ginagamit sa wika ng Dulangan at Karagatan Manobo na tungkol sa pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip. Sinalin ang mga salita sa Filipino at binigyang kahulugan ang mga terminolohiyang magkatulad at di-magkatulad sa Dulangan at Karagatan Manobo. Sinuri at tinukoy ang mga ipinapaloob sa binuong diksyunaryo. Kwalitatibo ang ginamit na disenyo sa pananaliksik. Lumabas sa pag-aaral na may dalawang barayti ang Wikang Manobo na tinatawag na Dulangan at Karagatan. Natagpuang sa pangngalan ay may bilang na isang libo walong daan tatlumpu't apat (1,834) ang magkatulad, samantalang isang daan anim napu't isa (161) ang di-magkatulad. Sa pandiwa, tatlungdaan animnapu’t apat (364) ang magkatulad, samantalang limampu't anim (56) ang di-magkatulad. Sa pang-uri, anim na raan walumpu't dalawa (682) ang magkatulad, samantalang walumpu't apat (84) ang di-magkatulad. Sa panghalip, dalawampu't dalawa (22) ang magkatulad, samantalang tatlu (3) ang di-magkatulad. Sa kabuuang bilang na apat na libong mga salita sa Diksyunaiyong Manobo-Filipino, tatlung libo anim na raan siyam napu't anim (3,696) ang magkatulad, samantalang tatlung daan at apat (304) ang di-magkatulad. Ang pagkakaroon ng magkatulad at di-magkatulad na mga terminolohiya ay patunay lamang na mayroong leksikal na baryasyon ang dalawang pangkat ng Manobo.


Filipino.


Manobo language--Philippines.