Mga halagang nakapaloob sa teksbuk : pagsusuri sa paggamit ng panitikan 7 sa isang pampublikong paaralan sa Magpet, North Cotabato
/ Justfer John D. Aguilar
- Zamboanga City : Ateneo de Zamboanga University ,2018.
- xii, 114 leaves 21 x 27cm.
Thesis (Master of Arts in Filipino) -- Ateneo de Zamboanga University, March 2018.
Ang pag-aaral na ito ay uko! sa Mga halagahang Nakapaloob sa Teksbuk: Pagsusuri sa paggamit ng Panitikan 7 sa isang Pampublikong Paaralan sa Magpet, North Cotabato. Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay guro at mag-aaral. Sumailalim sa panayam ang isang guro na nagtuturo sa isang pampublikong paaaralan sa Magpet, North Cotabato ng Filipino, partikular ang Panitikan 7. Sumailalim naman ang limang kalahok na estudyante sa nasabing paaralan sa isinagawang Focus Group Discussion. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng disenyongpagsusuringpangnilalaman bilang isang tiyak na lapit sa pagsusuri ng mga halagahan na nakapaloob sa teksbuk kalakip ang mga halagahan
na natukoy ng guro atmag-aaral.Batay sa mga naging tuklas ng pag-aaral mayroong labin- isang halagahang natukoy mula sa teksbuk ng mananaliksik, guro at mag-aaral. Natuklasan
din na mayroong anim na anyo ng panitikan na nakapaloob sa Teksbuk at lahat ng mga anyong ito ay naglalaman ng mga natatanging halagahan. Sa sampung anyo ng panitikan na nakapaloob sa teksbuk, pangkalahatang natukoy ang mga halagahang sumusunod: Masariling Tunguhin na nakatuon sa kalayaan sa pag-iisip at kilospagpili, paglikha at pagtuklas na tumutugon din sa paggalang sa sarili, katalinuhan at pagkapribado, pagsisikap at pagtupad sa pangarap. Naging tampok itong halagahan sa mga inilahad na maikling kwento at kwentong bayan; Stimulasyon na nakatuon sa Kagalakan, pagbabago, pagtanggap, pagtugon at pagiging positibo sa mga hamon sa buhay; Hedonismo na nakatuon sa kagustuhan o ang marubdob na gratipikasyon sa sarili. Ang mga halagahang hedonismo na tampok ay tampok sa mga komiks; Tagumpay na nakatuon sa pagki/ala sa daki/ang kontribusyon, impluwensiya, kaligayahan o lubos na kaligayahang kakayahan, kahusayan at panlipunang pagkilala; Kapangyarihan na nakatuon sa estado ng buhay, estado ng tao sa lipunan, pagkontrol, pagdomina sa tao at sa mga yaman. Binigyang diin sa kapangyarihan sa mga kwentong may kaugnayan sa lipunan tu/ad ng Mabangis na Lungsod; Seguridad na nakatuon sa panlipunang kaayusan, kapayapaan, karapatan, seguridad ng pamilya, sa kalusugan, at sentido ng pagiging kabilang; Pagtugon o Pagsunod na nakatuon sa pagiging masunurin, disiplina, pagiging magalang, pagsunod sa mga magulang at nakatatanda, katapatan sa sarili o sa sariling bansa; Tradisyon na nakatuon sa paniniwala sa Diyos at mga bagay na bahagi ng pagakakakilanlan. Tumutugon din ito sa mga halagahang nakapaloob sa mga seremonya, paniniwala, ugali, moderasyon ng isang esperitwal na pamumuhay; Kabutihan na nakatuon sa pag-aalala sa kapakanan ng kapwa tu/ad ng:
pagtulong, katapatan, pagpapatawad, paggpapkumbaba, totoong kaibigan, at hustong pag- ibig. Nakatuon din ito sa relasyong pantao tulad ng pag-ibig sa iniirog, sa kapatid at sa
pamilya; Unibersalismo na nakatuon sa pang-unawa, pagtanggap at proteksyon sa kapakanan ng lahat ng tao, maging ang para sa kapaligiran at pagpapakita ng pagamamaha!a sa bayan. Karaniwang ipinamalas ang unibersalismo sa pagmamahal sa bayan na makikita sa mga sanaysay; at panghuli ay Ekonomikal na nakatuon sa kaunlarang pambansa. Natuklasan din mula sa pag-aaral na mas maraming halagahang Tradisyon na natukoy mula sa pagsusuring pangnilalaman, pagtukoy ng guro at pagtukoy ng mag-aaral. Sa kadahilanang ang naging balangkas ng pagtuturo ng Filipino sa kabuuan bilang isang displina ay nakatuon sa pagmumulat sa Filipino sa pagkakakilanlan, humilitaw na sa pagpili ng mga panitikan na inilahad sa teksbuk dapat na maglalaman ito ng mga konseptong may kinalaman sa kultura.
Textbooks --Philippines Values in literature Literature--Philippines--Study and teaching (Secondary) Public schools --Philippines -- Magpet (North Cotabato)