000 03585nam a2200241 i 4500
003 CHED
005 20250403144151.0
007 ta
008 250325e2018 ph ||||| |||| 00| 0 eng d
040 _cCommission on Higher Education
100 1 _aMirafuentes, Ruth Deocampo
245 1 4 _aMga salik internal at eksternal sa pagtuturo at pagkatuto
_c / Ruth Deocampo Mirafuentes
260 3 _aCebu
_b : Cebu Normal University
_c,2018.
300 _axii, 110 leaves
_c28 x 21cm.
500 _aDissertation (Doctor of Education major in Filipino Language Teaching) -- Cebu Normal University, Pebrero 2018.
520 3 _aAng pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy kung aling salik na internal at ekstemal ang makatutulong sa lubusang pagkatuto ng Filipino ng mga mag-aaral sa Grade 11 ng mga Senior High School ng Buug, Zamboanga Sibugay. Nilutas at sinagot ang mga suliranin tungkol sa mga profile ng mga mag-aaral ayon sa: multiple intellingences, istilo ng pagkatuto, at perpormans; mga istilo ng pagtuturo sa Filipino; matukoy ang multiple intellingences at istilo ng pagkatuto sa may matataas na antas ng perpormans; mga istilo ng pagtuturong nagdudulot sa mga mag-aaral ng pinakamataas na antas ng pagkatuto; at mungkahing gawaing magpapayaman upang makatugon sa pangangailangan. Natuklasang sa profile ng mga mag-aaral ayon sa multiple intelligences lumabas na nangingibabaw ang interpersonal, biswal-spasyal at naturalistik. Sinundan ang mga ito ng musikal, intrapersonal, bodily-kinestetik, pangangatwirang matemateka, at panghuli ang linggwistik. Ayon naman sa istilo ng pagkatuto, karamihan ay mapandinig na sinundan ng pagiging mapanuri. Sa kanilang profile naman sa perpormans, karamihan ay nasasaklaw sa Satisfactory na sinundan ng Very Satisfactory. Sa istilo ng pagtuturo, ang mga guro ay karaniwang gumagamit ng istilong tradisyunal. Subalit mayroon namang gumagamit ng kombinasyong tradisyunal at indibidwalisado. Sa mga mag-aaral na may • matataas na antas ng perpormans, lumabas na sa multiple intelligences, sa pangkat Outstanding ay nangunguna ang interpersonal, pangalawa ang biswal-spasyal, at pangatlo ang naturalistik. Habang sa pangkat Very Satisfactory, nangunguna din ang interpersonal, pangalawa ang naturalistik at pangatlo ang biswal- spasyal. Sa istilo ng pagkatuto, nangunguna sa kapwa pangkat Outstanding at Very Satisfactory ang mapandinig na istilo ng pagkatuto, pangalawa ang biswal at pangatlo ang mapanuring istilo ng pagkatuto. Sa istilo ng pagtuturong nagdudulot sa mga mag- aaral ng pinakamataas na antas ng pagkatuto, lumabas na ang istilong tradisyunal ay nangunguna na sinundan ng istilong indibidwalisado. Kaya, ang teoryang Pedagogy-Achievement Connection ay nabuo batay sa mga natuklasan. Ang perpormans ng mga mag-aaral ay nagdedepende sa kahusayan ng guro sa pagtuturo. Ang kapangyarihang nilang lumilikha ng pagbabago na walang pagpupumilit na mangyayari at ang kapangyarihan ng paglinang ng sining sa pakikinig sa mga mag-aaral ay may malaking impact sa paglinang sa maximum na potensyal at kaunlaran ng mga mag-aaral. Ang kagandahan/kapangyarihan ng pagkatuto ay - nakasalalay sa kagandahah/kapangyarihang ng pagtuturo.
650 1 0 _aTeaching
650 2 0 _aLearning
650 2 0 _aTeaching and Learning
_xFactors
856 4 0 _uhttp://181.215.242.151/cgi-bin/koha/opac-retrieve-file.pl?id=e735668132ed134b25d2122f60c330c6
_zAbstract
856 4 0 _uhttp://181.215.242.151/cgi-bin/koha/opac-retrieve-file.pl?id=786b2d0e9982bbfaeb82c52d6195f37c
_zTable of Contents
942 _2lcc
_cCHEDFR
_n0
999 _c7409
_d7409