Mga halagang nakapaloob sa teksbuk : pagsusuri sa paggamit ng panitikan 7 sa isang pampublikong paaralan sa Magpet, North Cotabato / Justfer John D. Aguilar
Material type:
Item type | Current library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() |
Commission on Higher Education Digital Thesis and Dissertation | Digital Thesis and Dissertation | LG 995 2018 C6 A48 (Browse shelf(Opens below)) | Available | DCHEDFR-000066 | ||
![]() |
Commission on Higher Education Theses and Dissertations | Thesis and Dissertation | LG 995 2018 C6 A48 (Browse shelf(Opens below)) | Available (Restricted Access) | CHEDFR-000326 |
Browsing Commission on Higher Education shelves, Shelving location: Theses and Dissertations, Collection: Thesis and Dissertation Close shelf browser (Hides shelf browser)
Thesis (Master of Arts in Filipino) -- Ateneo de Zamboanga University, March 2018.
Ang pag-aaral na ito ay uko! sa Mga halagahang Nakapaloob sa Teksbuk: Pagsusuri
sa paggamit ng Panitikan 7 sa isang Pampublikong Paaralan sa Magpet, North Cotabato.
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay guro at mag-aaral. Sumailalim sa panayam ang
isang guro na nagtuturo sa isang pampublikong paaaralan sa Magpet, North Cotabato ng
Filipino, partikular ang Panitikan 7. Sumailalim naman ang limang kalahok na estudyante sa
nasabing paaralan sa isinagawang Focus Group Discussion. Sa pangangalap ng mga datos,
ang mananaliksik ay gumamit ng disenyongpagsusuringpangnilalaman bilang isang tiyak na
lapit sa pagsusuri ng mga halagahan na nakapaloob sa teksbuk kalakip ang mga halagahan
na natukoy ng guro atmag-aaral.Batay sa mga naging tuklas ng pag-aaral mayroong labin-
isang halagahang natukoy mula sa teksbuk ng mananaliksik, guro at mag-aaral. Natuklasan
din na mayroong anim na anyo ng panitikan na nakapaloob sa Teksbuk at lahat ng mga
anyong ito ay naglalaman ng mga natatanging halagahan. Sa sampung anyo ng panitikan na
nakapaloob sa teksbuk, pangkalahatang natukoy ang mga halagahang sumusunod:
Masariling Tunguhin na nakatuon sa kalayaan sa pag-iisip at kilospagpili, paglikha at
pagtuklas na tumutugon din sa paggalang sa sarili, katalinuhan at pagkapribado, pagsisikap
at pagtupad sa pangarap. Naging tampok itong halagahan sa mga inilahad na maikling
kwento at kwentong bayan; Stimulasyon na nakatuon sa Kagalakan, pagbabago, pagtanggap,
pagtugon at pagiging positibo sa mga hamon sa buhay; Hedonismo na nakatuon sa
kagustuhan o ang marubdob na gratipikasyon sa sarili. Ang mga halagahang hedonismo na
tampok ay tampok sa mga komiks; Tagumpay na nakatuon sa pagki/ala sa daki/ang
kontribusyon, impluwensiya, kaligayahan o lubos na kaligayahang kakayahan, kahusayan at
panlipunang pagkilala; Kapangyarihan na nakatuon sa estado ng buhay, estado ng tao sa
lipunan, pagkontrol, pagdomina sa tao at sa mga yaman. Binigyang diin sa kapangyarihan sa
mga kwentong may kaugnayan sa lipunan tu/ad ng Mabangis na Lungsod; Seguridad na
nakatuon sa panlipunang kaayusan, kapayapaan, karapatan, seguridad ng pamilya, sa
kalusugan, at sentido ng pagiging kabilang; Pagtugon o Pagsunod na nakatuon sa pagiging
masunurin, disiplina, pagiging magalang, pagsunod sa mga magulang at nakatatanda,
katapatan sa sarili o sa sariling bansa; Tradisyon na nakatuon sa paniniwala sa Diyos at
mga bagay na bahagi ng pagakakakilanlan. Tumutugon din ito sa mga halagahang
nakapaloob sa mga seremonya, paniniwala, ugali, moderasyon ng isang esperitwal na
pamumuhay; Kabutihan na nakatuon sa pag-aalala sa kapakanan ng kapwa tu/ad ng:
pagtulong, katapatan, pagpapatawad, paggpapkumbaba, totoong kaibigan, at hustong pag-
ibig. Nakatuon din ito sa relasyong pantao tulad ng pag-ibig sa iniirog, sa kapatid at sa
pamilya; Unibersalismo na nakatuon sa pang-unawa, pagtanggap at proteksyon sa
kapakanan ng lahat ng tao, maging ang para sa kapaligiran at pagpapakita ng
pagamamaha!a sa bayan. Karaniwang ipinamalas ang unibersalismo sa pagmamahal sa
bayan na makikita sa mga sanaysay; at panghuli ay Ekonomikal na nakatuon sa kaunlarang
pambansa. Natuklasan din mula sa pag-aaral na mas maraming halagahang Tradisyon na
natukoy mula sa pagsusuring pangnilalaman, pagtukoy ng guro at pagtukoy ng mag-aaral. Sa
kadahilanang ang naging balangkas ng pagtuturo ng Filipino sa kabuuan bilang isang
displina ay nakatuon sa pagmumulat sa Filipino sa pagkakakilanlan, humilitaw na sa pagpili
ng mga panitikan na inilahad sa teksbuk dapat na maglalaman ito ng mga konseptong may
kinalaman sa kultura.
There are no comments on this title.