Mga salik internal at eksternal sa pagtuturo at pagkatuto / Ruth Deocampo Mirafuentes
Material type:
Item type | Current library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() |
Commission on Higher Education CHED Funded research | LG 996 2018 C6 M57 (Browse shelf(Opens below)) | Available | CHEDFR-000335 | |||
![]() |
Commission on Higher Education Digital Thesis and Dissertation | Digital Thesis and Dissertation | LG 996 2018 C6 M57 (Browse shelf(Opens below)) | Available | DCHEDFR-000081 |
Browsing Commission on Higher Education shelves, Shelving location: CHED Funded research Close shelf browser (Hides shelf browser)
Dissertation (Doctor of Education major in Filipino Language Teaching) -- Cebu Normal University, Pebrero 2018.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy kung aling salik na internal at
ekstemal ang makatutulong sa lubusang pagkatuto ng Filipino ng mga mag-aaral sa
Grade 11 ng mga Senior High School ng Buug, Zamboanga Sibugay. Nilutas at sinagot
ang mga suliranin tungkol sa mga profile ng mga mag-aaral ayon sa: multiple
intellingences, istilo ng pagkatuto, at perpormans; mga istilo ng pagtuturo sa Filipino;
matukoy ang multiple intellingences at istilo ng pagkatuto sa may matataas na antas ng
perpormans; mga istilo ng pagtuturong nagdudulot sa mga mag-aaral ng pinakamataas na
antas ng pagkatuto; at mungkahing gawaing magpapayaman upang makatugon sa
pangangailangan.
Natuklasang sa profile ng mga mag-aaral ayon sa multiple intelligences lumabas
na nangingibabaw ang interpersonal, biswal-spasyal at naturalistik. Sinundan ang mga
ito ng musikal, intrapersonal, bodily-kinestetik, pangangatwirang matemateka, at
panghuli ang linggwistik. Ayon naman sa istilo ng pagkatuto, karamihan ay mapandinig
na sinundan ng pagiging mapanuri. Sa kanilang profile naman sa perpormans,
karamihan ay nasasaklaw sa Satisfactory na sinundan ng Very Satisfactory. Sa istilo ng
pagtuturo, ang mga guro ay karaniwang gumagamit ng istilong tradisyunal. Subalit
mayroon namang gumagamit ng kombinasyong tradisyunal at indibidwalisado. Sa mga
mag-aaral na may • matataas na antas ng perpormans, lumabas na sa multiple
intelligences, sa pangkat Outstanding ay nangunguna ang interpersonal, pangalawa ang
biswal-spasyal, at pangatlo ang naturalistik. Habang sa pangkat Very Satisfactory,
nangunguna din ang interpersonal, pangalawa ang naturalistik at pangatlo ang biswal-
spasyal. Sa istilo ng pagkatuto, nangunguna sa kapwa pangkat Outstanding at Very
Satisfactory ang mapandinig na istilo ng pagkatuto, pangalawa ang biswal at pangatlo ang
mapanuring istilo ng pagkatuto. Sa istilo ng pagtuturong nagdudulot sa mga mag-
aaral ng pinakamataas na antas ng pagkatuto, lumabas na ang istilong tradisyunal ay
nangunguna na sinundan ng istilong indibidwalisado.
Kaya, ang teoryang Pedagogy-Achievement Connection ay nabuo batay sa mga
natuklasan. Ang perpormans ng mga mag-aaral ay nagdedepende sa kahusayan ng guro
sa pagtuturo. Ang kapangyarihang nilang lumilikha ng pagbabago na walang
pagpupumilit na mangyayari at ang kapangyarihan ng paglinang ng sining sa pakikinig sa
mga mag-aaral ay may malaking impact sa paglinang sa maximum na potensyal at
kaunlaran ng mga mag-aaral. Ang kagandahan/kapangyarihan ng pagkatuto ay
- nakasalalay sa kagandahah/kapangyarihang ng pagtuturo.
There are no comments on this title.